Madalas sabihin ng ating magulang na ang edukasyon lang daw ang kayamanan na maipapamana nila sa atin kaya puspusan silang nagtratrabaho para tayo’y makapag-aral. Sinasabi rin na ang kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan sa magandang kinabukasan ng bansa. Subalit, Paano maisasakatuparan iyon kung madaming isyu ang dapat aregluhin? May mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pambuliko man o pribado. Dito mababase natin ang kakayahan na meron ang bawat estudyante at ng kabubuang populasyon.
Isa sa mga isyu na dapat bigyang pansin ay ang pondo ng gobyerno sa edukasyon. Nasaan na nga ba napupunta ang mga buwis na kinokolekta sa mga mamamayan? Tinatalang milyon-milyon na ang nagastos para sa edukasyon. Ngunit, hindi pa ito sapat dahil ang perang ito ay nailaan na sa listahan ng proyetong na mas pinaprioridad ng gobyerno. Sa kasamaang palad, hindi matugunan ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansang ito. Kulang tayo sa silid-aralan, gamit at mga guro sapagkat ilan sa kanila’y nag-iibang bansa. Mataas nga ang sweldo ng pampublikong guro pero halos nakakapagod din ang kanilang ginagawa. Bakit at papaano nangyari iyon? Mayroon silang dalawang shifts. Sa bawat klase, meron silang 60-70 na estudyanteng tinuturuan. May mga gamit din sila na maaring binili o may nagdonate nito. Subalit, hindi ito sapat. Kung minsa’y ginagamit ng mga guro ang kanilang pera para makagawa ng visual aids na makakatulong sa kanilang leksyon. May kanyan-kanyang pakuno o trip ang mga guro kung papaano nila maihahatid o maituturo ang isang paksa sa mga bata.
Mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipinas. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng mga grumadweyt at siyang susunod na magpapatakbo ng Pilipinas. Sila ang pag-asa na hindi dapat baliwalain. Kailangan nila ang paggabay. Kaya ang edukasyon ang nararapat nating ibigay at ipalawak. Ito ay nagsisilbing unang hakbang sa naudlot na bagong Pilipinas. Remedyuhan ang problema sa edukasyon. Magsimula ngayon bago mahuli ang lahat.
No comments:
Post a Comment